Sunday, March 3, 2019

Sa likod ng Pinilakang Tabing: Daloy ng iba't ibang hinuha sa paglikha ng pelikula


Image may contain: 2 people, text

RUNNER: ANG KWENTO NI ISKO
sa Direksyon ni: Karl Christian Alipio

Sa likod ng pinilakang tabing ng pelikul, hindi namamalayan ang mga karanasang dapat na alamin ng mga manonood. Hirap, pagod, sakripiso, puyat at pagtitiyaga na aking pinapanday ay bakas ang pag patak ng luha ko sa sobrang saya. Ang mga karanasang aking naranasan sa pag gawa ng isang pelikula ay hindi biro, puhanan ang puyat, sariling labas ng pera at pagod na tila isang kwento na maraming kabanata. Simulan natin ang unang kabanata ng aking karanasan sa aming pelikula.  

KABANATA I: IDEYA

Sa pag buo ng ideya tungkol sa kugn anong konsepto ang dapat iparating sa mga manonood at kung anong mensahe ang dapat ibigay. Maaring tumulakay sa mga napapanahong isyu sa lipunan na kalakip ang ibat ibang uri ng tao. Isyu na maaring mag pamulat sa mga nangyayari sa ating bansa. Konsepto na syang huhubog sa buong pelikula. Mahirap, masakit sa ulo at nakakalito kung anong konsepto ang ilalapat sa pelikula ngunit bilang isang kabataan na maagang namulat sa reyalidad ng buhay, tatalakayin ang dapat na matagal ng maungkat, mga kabataang nadawit ang buhay sa ipinagbabawal na gamot at di makatarungang pag patay. Dito iikot ang buonfg pangyayarin sa aking pelikulang nilikha. 

KABANATA II:ISKRIP

Sa paglikha ng iskript upang buuin ang pelikulang puhanan ay imulat na ang mga tao sa reyalidad ng buhay ng isang kabataan sa mga landas na kanilang tatahakin. Isa sa pinakamahirap ay ang pag gawa ng mga linya na bubuhay sa pelikulang lilikhain. Mga linya na tatatak sa bawat bigkas at bitaw nito na maaring mag pabago sa buhay ng isang manonood. maaring ilagay ang kanilang sitwasyon sa napapanood na bida ng pelikula. Madugo gaya nga ng ginawa ng aming guro sa asignatura ng Creative Writing, ang asignaturang nagturan samen kung pano bumuo ng istorya at iskrip sa pag gabay ng aming guro na si Ginoong Kristoffer TiƱa. Natututo kaming ilagay ang sitwasyon sa isang karakter na mag sasambit ng linya at antabayanan at ingatan ang mga salitang isusulat at sasabihin ng bawat karakter. Maaring may mga matamaang tao, masaktan at maalipusta. 

KABANATA III: PAG BUO NG KARAKTER

Isa sa napakahirap na gawain ang pumili ng mga tao na babagay sa karakter na nais mong ipagaya sa kanya. Mga karakter na dapat susukat sa standard mo bilang isang direktor, na dapat bigyang buhay at hustisya nya ang karakter na gagampanan. Maaring may makuha kang babagay sa karakter na hinahanap mo ngunit hindi isang daang porsyento. Maging maingat sa pagpili. Sa aking karanasan ay medyo nahirapan ako sapagkat magkasalungat ang aming schedule, minabuti namen na mag adjust sa kanila dahil kami ang nang abala sa kanila. Alagaan at huwag pabayaan ang mga ekstra na gumanap sa iyong pelikula.

KABANATA IV: PRODUKSIYON

Sa produksiyon ito ang pag sasadula o mga pag kuha ng mga video o shooting ng mga scenes ng iyong pelikula, naranasan  naming humanap sa isang hindi pamilyar sa amin, sakripisyo kung baga. Dapat naangkop ang disenyo ng bawat eksena na kukuhanan upang mas magbigay ng mood sa mga manonood. Dapat sa unang araw at sa patuloy na araw ay ginagawang produktibo at walang pinapalampas na oras upang hindi magahol sa oras ng produksiyon. 

KABANATA V: EDIT 

Sa paglalapat lapat at pag sasama sama ng mga nakuhanang video sa bawat eksena, isa rin sa pinakamahirap na gawain ang pag eedit ng video na nakuhanan, dito masusukat ang iyong editing skills, dito mailalapat ang mga music na aangkop sa bawat eksena, naranasan namen na magahol at mag hanap ng application upang makapag edit ng aming pelikula. Medyo mahirap, masakit sa mata at kamay, sakripisyo ang puhunan. Ito ang magbibigay buhay sa iyong pelikula ang mga tunog at larawan. 


Sa pag gawa ng isang pelikula ay hindi biro, gaya nga ng sinabe ko nung una, marami kang mararanasan sa likod ng kamera. Mga karanasang huhubog sayo, di naman sa pag katao bagkus sa iyong pakikikasama at pag hasa sa iyong kakayanan sa pag likha ng pinilakang tabing. Bandang huli, dahan dahang papatak ang luha ng kasiyahan kapag napanood mo na ang iyong pinag hirapang pelikula. 

ABANGAN PO NATIN

RUNNER: ANG KWENTO NI SKO 

No comments:

Post a Comment