"Ang mahal naman ng mga bilihin"
"Wala na bang ibababa ang presyo?"
"Pamahal ng pamahal ang bilihin"
"Wala na bang ibababa ang presyo?"
"Pamahal ng pamahal ang bilihin"
"Hanggang kailan tayo pahihirapan ng gobyerno?"
Mga salitang maririnig sa iba't ibang tao na naapektuhan sa batas na inilunsad ng ating gobyerno, sa patuloy na pag ragasa ng Train Law pero bago yan ano nga ba ang Train Law?
Ayon sa Repblic Act 10963 The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law. Ang TRAIN LAW ay ang pag-amenda sa ilang bahagi ng batas sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program ng pamahalaan. Ang layunin nito ayon sa programa ng Pangulong Duterte ay gamiting matalino ang buwis kung saan ang mga mayayaman sa lipunan ay dapat na mas mataas ang kanilang kontribusyon at ang mga mahihirap ay lubos na makikinabang sa buwis na ito at sa serbisyo ng pamahalaan.
Ang katotohanan—lahat ngayon ay nagmahal na. Kung single ka pa rin, sa iyo na lang walang nagmamahal.
Seriously speaking, ngayong ramdam na ng publiko ang epekto ng TRAIN Law na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa kawalan ng NFA Rice sa merkado, hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na ipatupad na agad ang cash transfer program para sa mahihirap na Pilipino.
“Tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa tax reform, na sinabayan pa ng pagkawala ng NFA Rice sa merkado. Nasaan na ang financial assistance para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino?” sabi ni Aquino.
Tinutukoy ni Aquino ang pinansiyal na tulong na itinakda ng Republic Act No. 10963 o ng TRAIN Act sa 10 milyong mahihirap na Pilipino upang balansehin ang inaasahang pagtaas sa presyo ng bilihin. Ngayong 2018, tatanggap sila ng P200 kada buwan na susundan ng P300 buwanang tulong sa 2019 at 2010.
Sa mahal ng mga bilihin, kaysa kaya iyon?
Inianunsiyo naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo ang inflation rate ng bansa noong Pebrero sa 4.5 percent, ang pinakamabilis na pagtaas sa nakalipas na tatlong taon.
Kamakailan, inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 597, na humihikayat sa kaukulang komite ng Senado na imbestigahan ang implementasyon ng unconditional cash transfer para matiyak kung sasapat ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Sa kanyang resolusyon, nanawagan si Aquino sa National Economic Development Authority (NEDA) na tingnan kung sapat ang kinikita ng mga pamilya upang matumbasan ang mga nasabing pagtaas. Pero gaya nang nabanggit natin sa itaas, parang kahit gaano pa ang itaas na tulong, mahihirapan talaga ang lahat sa TRAIN Law.
Halos linggu-linggo ay may balita ng pagtaas ng mga produktong petrolyo. At alam naman natin, batay na rin sa tradisyon, basta ang petrolyo ang tumaas, walang magawa ang pamahalaan para kontrolin ito. At kahit anong pananakot ng Department of Trade and Industry sa mga mangangalakal na huwag magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto, hanggang salita lang iyon. Pagdukot ni Juan Dela Cruz sa kanyang bulsa ng barya, ibabayad niya iyon sa kanyang mga pangangailangan para lang mabuhay.
Maganda ang layunin ng TRAIN Law. Kailangan natin sa pag-unlad ang mga itatayong imprastruktura mula sa mga buwis na kokolektahin sa atin. Pero hindi pawis ang puhunan natin sa ating mga ibinubuwis kundi dugo.
Siguro nga’y kailangan lang munang magtiis ng henerasyong ito para sa magandang bukas na darating sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino. May maabutan man ng tulong ang pamahalaan gaya ng mga kapuspalad nating kababayan, daraan lang iyon sa kanilang palad pero hindi sasayad sa kanilang tiyan.
At baka mas may magandang maiisip si Sen. Bam Aquino na solusyon kaysa punahin ang maliit na CCT na ibinibigay sa mga mahihirap na brainchild naman ng kanyang pinsan na dating pangulo. Kung meron, baka kahit paano ay magkaroon ng significance ang kanyang opinyon. Basta, tuloy ang TRAIN Law.

No comments:
Post a Comment