Sunday, March 3, 2019

Sa likod ng Pinilakang Tabing: Daloy ng iba't ibang hinuha sa paglikha ng pelikula


Image may contain: 2 people, text

RUNNER: ANG KWENTO NI ISKO
sa Direksyon ni: Karl Christian Alipio

Sa likod ng pinilakang tabing ng pelikul, hindi namamalayan ang mga karanasang dapat na alamin ng mga manonood. Hirap, pagod, sakripiso, puyat at pagtitiyaga na aking pinapanday ay bakas ang pag patak ng luha ko sa sobrang saya. Ang mga karanasang aking naranasan sa pag gawa ng isang pelikula ay hindi biro, puhanan ang puyat, sariling labas ng pera at pagod na tila isang kwento na maraming kabanata. Simulan natin ang unang kabanata ng aking karanasan sa aming pelikula.  

KABANATA I: IDEYA

Sa pag buo ng ideya tungkol sa kugn anong konsepto ang dapat iparating sa mga manonood at kung anong mensahe ang dapat ibigay. Maaring tumulakay sa mga napapanahong isyu sa lipunan na kalakip ang ibat ibang uri ng tao. Isyu na maaring mag pamulat sa mga nangyayari sa ating bansa. Konsepto na syang huhubog sa buong pelikula. Mahirap, masakit sa ulo at nakakalito kung anong konsepto ang ilalapat sa pelikula ngunit bilang isang kabataan na maagang namulat sa reyalidad ng buhay, tatalakayin ang dapat na matagal ng maungkat, mga kabataang nadawit ang buhay sa ipinagbabawal na gamot at di makatarungang pag patay. Dito iikot ang buonfg pangyayarin sa aking pelikulang nilikha. 

KABANATA II:ISKRIP

Sa paglikha ng iskript upang buuin ang pelikulang puhanan ay imulat na ang mga tao sa reyalidad ng buhay ng isang kabataan sa mga landas na kanilang tatahakin. Isa sa pinakamahirap ay ang pag gawa ng mga linya na bubuhay sa pelikulang lilikhain. Mga linya na tatatak sa bawat bigkas at bitaw nito na maaring mag pabago sa buhay ng isang manonood. maaring ilagay ang kanilang sitwasyon sa napapanood na bida ng pelikula. Madugo gaya nga ng ginawa ng aming guro sa asignatura ng Creative Writing, ang asignaturang nagturan samen kung pano bumuo ng istorya at iskrip sa pag gabay ng aming guro na si Ginoong Kristoffer Tiña. Natututo kaming ilagay ang sitwasyon sa isang karakter na mag sasambit ng linya at antabayanan at ingatan ang mga salitang isusulat at sasabihin ng bawat karakter. Maaring may mga matamaang tao, masaktan at maalipusta. 

KABANATA III: PAG BUO NG KARAKTER

Isa sa napakahirap na gawain ang pumili ng mga tao na babagay sa karakter na nais mong ipagaya sa kanya. Mga karakter na dapat susukat sa standard mo bilang isang direktor, na dapat bigyang buhay at hustisya nya ang karakter na gagampanan. Maaring may makuha kang babagay sa karakter na hinahanap mo ngunit hindi isang daang porsyento. Maging maingat sa pagpili. Sa aking karanasan ay medyo nahirapan ako sapagkat magkasalungat ang aming schedule, minabuti namen na mag adjust sa kanila dahil kami ang nang abala sa kanila. Alagaan at huwag pabayaan ang mga ekstra na gumanap sa iyong pelikula.

KABANATA IV: PRODUKSIYON

Sa produksiyon ito ang pag sasadula o mga pag kuha ng mga video o shooting ng mga scenes ng iyong pelikula, naranasan  naming humanap sa isang hindi pamilyar sa amin, sakripisyo kung baga. Dapat naangkop ang disenyo ng bawat eksena na kukuhanan upang mas magbigay ng mood sa mga manonood. Dapat sa unang araw at sa patuloy na araw ay ginagawang produktibo at walang pinapalampas na oras upang hindi magahol sa oras ng produksiyon. 

KABANATA V: EDIT 

Sa paglalapat lapat at pag sasama sama ng mga nakuhanang video sa bawat eksena, isa rin sa pinakamahirap na gawain ang pag eedit ng video na nakuhanan, dito masusukat ang iyong editing skills, dito mailalapat ang mga music na aangkop sa bawat eksena, naranasan namen na magahol at mag hanap ng application upang makapag edit ng aming pelikula. Medyo mahirap, masakit sa mata at kamay, sakripisyo ang puhunan. Ito ang magbibigay buhay sa iyong pelikula ang mga tunog at larawan. 


Sa pag gawa ng isang pelikula ay hindi biro, gaya nga ng sinabe ko nung una, marami kang mararanasan sa likod ng kamera. Mga karanasang huhubog sayo, di naman sa pag katao bagkus sa iyong pakikikasama at pag hasa sa iyong kakayanan sa pag likha ng pinilakang tabing. Bandang huli, dahan dahang papatak ang luha ng kasiyahan kapag napanood mo na ang iyong pinag hirapang pelikula. 

ABANGAN PO NATIN

RUNNER: ANG KWENTO NI SKO 

Saturday, March 2, 2019

TRAIN LAW: Bagong batas, bagong lagaslas at butas sa bulsa

"Ang mahal naman ng mga bilihin"
"Wala na bang ibababa ang presyo?"
"Pamahal ng pamahal ang bilihin"
"Hanggang kailan tayo pahihirapan ng gobyerno?"

Mga salitang maririnig sa iba't ibang tao na naapektuhan sa batas na inilunsad ng ating gobyerno, sa patuloy na pag ragasa ng Train Law pero bago yan ano nga ba ang Train Law?

Ayon sa Repblic Act 10963 The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law. Ang TRAIN LAW  ay ang  pag-amenda sa ilang bahagi ng batas sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program ng pamahalaan.  Ang layunin nito ayon sa programa ng Pangulong Duterte ay gamiting matalino ang buwis kung saan ang mga mayayaman sa lipunan ay dapat na mas mataas ang kanilang kontribusyon at ang mga mahihirap ay lubos na makikinabang sa buwis na ito at sa serbisyo ng pamahalaan.

Ang katotohanan—lahat ngayon ay nagmahal na. Kung single ka pa rin, sa iyo na lang walang nagmamahal. 

Seriously speaking, ngayong ramdam na ng publiko ang epekto ng TRAIN Law na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa kawalan ng NFA Rice sa merkado, hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na ipatupad na agad ang cash transfer program para sa mahihirap na Pilipino. 

“Tumataas na ang pres­yo ng mga bilihin dahil sa tax reform, na sinabayan pa ng pagkawala ng NFA Rice sa merkado. Nasaan na ang financial assistance para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino?” sabi ni Aquino. 

Tinutukoy ni Aquino ang pinansiyal na tulong na itinakda ng Republic Act No. 10963 o ng TRAIN Act sa 10 milyong mahihirap na Pilipino upang balansehin ang inaasahang pagtaas sa presyo ng bilihin. Ngayong 2018, tatanggap sila ng P200 kada buwan na susundan ng P300 buwanang tulong sa 2019 at 2010. 

Sa mahal ng mga bilihin, kaysa kaya iyon? 

Inianunsiyo naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo ang inflation rate ng bansa noong Pebrero sa 4.5 percent, ang pinakamabilis na pagtaas sa nakalipas na tatlong taon.

Kamakailan, inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 597, na humihikayat sa kaukulang komite ng Senado na imbestigahan ang implementasyon ng unconditional cash transfer para matiyak kung sasapat ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo. 

Sa kanyang resolus­yon, nanawagan si Aquino sa National Economic Development Authority (NEDA) na tingnan kung sapat ang kinikita ng mga pamilya upang matumbasan ang mga nasabing pagtaas. Pero gaya nang nabanggit natin sa itaas, parang kahit gaano pa ang itaas na tulong, mahihirapan talaga ang lahat sa TRAIN Law. 

Halos linggu-linggo ay may balita ng pagtaas ng mga produktong petrolyo. At alam naman natin, batay na rin sa tradisyon, basta ang petrolyo ang tumaas, walang magawa ang pamahalaan para kontrolin ito. At kahit anong pananakot ng Department of Trade and Industry sa mga mangangalakal na huwag magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto, hanggang salita lang iyon. Pagdukot ni Juan Dela Cruz sa kanyang bulsa ng barya, ibabayad niya iyon sa kanyang mga pangangailangan para lang mabuhay.

Maganda ang layunin ng TRAIN Law. Kailangan natin sa pag-unlad ang mga itatayong imprastruktura mula sa mga buwis na kokolektahin sa atin. Pero hindi pawis ang puhunan natin sa ating mga ibinubuwis kundi dugo.  

Siguro nga’y kailangan lang munang magtiis ng henerasyong ito para sa magandang bukas na darating sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino. May maabutan man ng tulong ang pamahalaan gaya ng mga kapuspalad nating kababayan, daraan lang iyon sa kanilang palad pero hindi sasayad sa kanilang tiyan. 

At baka mas may magandang maiisip si Sen. Bam Aquino na solusyon kaysa punahin ang maliit na CCT na ibinibigay sa mga mahihirap na brainchild naman ng kanyang pinsan na dating pangulo. Kung meron, baka kahit paano ay magkaroon ng significance ang kanyang opinyon. Basta, tuloy ang TRAIN Law.

Sunday, February 17, 2019

My Biography






Hello Guys! Welcome to My Blog :)

My name is Karl Christian M. Alipio, 18 years from Bay Laguna. I'm a student of Colegio De Los Baños currently taking up Humanities and Social Sciences strand Grade 12. My hobbies is I love playing online games or gaming application and my favourite past time is listening to any genre of songs and also I like to sing and dance. That's all guys! I hope that you will like all my blog post. Support!

PURPOSE:

In this Blog you will read all my thoughts and opinions in a certain issues and situations that is connected from our subjects that explains our side regarding that topic. I'm hoping that you will take positively my opinion, no biased and fairness. Thank you guys! Hope you like it.
#KarlDGreat
#SulatAgilaTatakAgila